dzme1530.ph

Bagong PCO Sec. Cesar Chavez, magiging aktibo sa pagpapaliwanag ng polisiya ng administrasyon sa WPS

Magiging aktibo si bagong Presidential Communications Office Sec. Cesar Chavez sa komunikasyon at pagpapaliwanag ng polisiya ng administrasyon sa sigalot sa West Philippine Sea.

Ayon kay Chavez, magsasalita rin siya tungkol sa foreign policy kung kina-kailangan ang tugon ng pangulo rito, kahit pa ito ay saklaw na ng trabaho ng Dep’t of Foreign Affairs.

Kaugnay dito, sinabi ng PCO Chief na kukuha siya ng mga eksperto sa national security sa kanyang team.

Mababatid na patuloy at mas lumala pa ang mga agresibong aksyon ng China sa WPS na naglagay sa peligro sa mga barko at maging sa air assets ng Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author