Isang bagong Naval Detachment na magsisilbing headquarters ng militar ang pinasinayaan sa pinakadulong isla ng Pilipinas sa hilaga na Mavulis, Batanes.
Ayon kay AFP North Luzon Command Chief Lieutenant General Fernyl Buca, mahalaga ang isla na magsisilbing himpilan para bantayan ang seguridad at soberanya ng bansa.
Ang Mavulis ay bahagi ng lalawigan ng Batanes na pinakadulong hilagang isla sa Pilipinas, malapit sa Taiwan.
Walang residente na nakatira sa malayong isla maliban sa labing-anim na government officials at military uniformed personnel na nakatalaga doon.
Sinabi nman ni Senador Francis Tolentino, Chairperson ng Senate Committee on Maritime Zones na ang bagong pinasinayaang imprastratura ay makatutulong sa pagmarka sa Maritime Zone ng Pilipinas, kabilang na ang isla na isinama ng China sa kanilang 10-dash line map.
—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, via DZME News