dzme1530.ph

BAGONG KUMPUNING MAHAYAG DAM, PINASINAYAAN NI PANGULONG BONGBONG MARCOS JR.

Loading

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng modern technologies at irrigation improvement projects.

 

Ginawa ng Pangulo ang pagtiyak nang pangunahan nito ang inagurasyon ng bagong kumpuning Mahayag Dam sa Zamboanga del Sur.

 

Sinabi ni Marcos na sa pamamagitan ng proyekto ay mapabubuti ang water diversion, irrigation at iba pang agricultural initiatives sa rehiyon.

 

Bukod dito, makatutulong din ang dam para mapahupa ang pagbaha sa Zamboanga del Sur.

 

Inaasahang aabot sa mahigit tatlong libong mga magsasaka ang makikinabang mula sa naturang project.

About The Author