dzme1530.ph

Bagong HIV cases sa Pilipinas umabot sa 5,583 sa ikatlong kwarter ng taon           

Loading

Umabot sa 5,583 ang naitalang bagong kaso ng HIV sa Pilipinas mula Hulyo hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH). Mas mataas ito ng 22 porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ipinapakita ng datos na walang senyales ng pagbagal ng HIV infection sa bansa, na tinuturing na may pinakamabilis na pagtaas ng HIV epidemic sa Asia-Pacific region.

Nauna nang nanawagan ang mga health authorities na ideklara ang HIV bilang national public health emergency dahil sa mabilis na pagdami ng kaso, partikular sa edad 15 hanggang 25.

Ayon sa DOH, maaaring maiwasan ang HIV sa pamamagitan ng consistent na paggamit ng condom at paggamit ng pre-exposure prophylaxis o PrEP.

Patuloy ding pinaiigting ng ahensya ang awareness, prevention, at stigma reduction programs sa kabila ng nabawasang foreign funding para sa HIV response.

About The Author