Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nasa 3,000 ang inaasahang ibubunga ng pagsisimula ng kontruksyon ng South Commuter Railway project, na bahagi ng North-South Commuter Railway system.
Ito ay sa paglagda sa Malakanyang sa tatlong bagong contract packages ng proyekto.
Ayon sa Pangulo, sa oras na umarangkada ang civil works ng bagong contract projects ay lilikha ito ng 3,000 trabaho.
Kaugnay dito, nanawagan si Marcos sa lahat ng kaukulang ahensya at stakeholders na magtulungan sa pagtugon sa mga balakid na posibleng kaharapin ng proyekto.
Saklaw ng tatlong bagong kontrata ang itatayong kabuuang 14.9 kilometers na railway, bilang bahagi ng 147-kilometer North-South Commuter Railway na magkokonekta sa Clark, Pampanga hanggang sa Calamba, Laguna.
Sa oras na magbukas ay tinatayang nasa 800,000 pasahero ang mase-serbisyuhan ng NSCR kada araw, alinsunod sa mithiing mabigyan ang mga Pilipino ng maayos na pampublikong transportasyon. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News