dzme1530.ph

Bagong commander ng AFP Western Mindanao Command, pormal nang itinalaga

Pormal nang itinalaga bilang bagong commander ng AFP Western Mindanao Command si dating Philippine Army Vice Commander MGen Steve Crespillo.

Isinagawa ang Change of Command Ceremony sa Headquarters ng Western Mindanao Command sa Camp Navarro, Zamboanga City sa pangunguna ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.

Kaugnay nito ay nagpahayag ng pasasalamat si MGen. Crespillo sa pagbibigay sa kaniya ng pagkakataon para mamuno ng WesMinCom kasabay ng pagtitiyak na sisikapin niyang gawin ang lahat para magawa ang kaniyang bagong tungkulin.

Matatandaang, pinalitan ni MGen Crespillo si LtGen Roy Galido na kasalukuyang nanunungkulan bilang  Commanding General ng Philippine Army.

Si Crespillo ay miyembro ng Philippine Military Academy “Bigkis-Lahi” Class of 1990. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author