![]()
Tinawag na “exceptionally qualified” ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang bagong commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na si Atty. Charlito Martin Mendoza.
Ayon kay Salceda, tama ang desisyon ng Pangulo na piliin si Mendoza upang pamunuan ang BIR.
Bilang dating hepe ng Revenue Operations Group, nauunawaan umano ni Mendoza ang epekto ng tax policy sa investment, productivity, at food prices.
Umaasa rin si Salceda na magiging mas maayos at mas mura ang tax compliance para sa magsasaka, kooperatiba, at agri-business.
Naniniwala ito na kapag mababa ang buwis, susunod na bababa rin ang presyo ng pagkain, at kapag dumami ang producers sa formal economy, tataas ang supply ng pagkain at bababa ang farms-to-market costs.
