dzme1530.ph

Bagong beauty and wellness factory sa General Trias, Cavite, makapagbibigay ng 5K trabaho

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inaasahang aabot sa 5,000 direct at indirect jobs ang malilikha ng pinasinayaang bagong beauty, well-being, and personal care factory ng Unilever sa General Trias, Cavite.

Sa kanyang talumpati sa Inauguration Ceremony, sinabi ni Marcos na ang bagong planta na isa sa pinaka-malaking personal care facilities ng unilever sa mundo ay inaasahang makapagpo-produce ng aabot sa 90,000 tons ng personal care products kada taon, upang matugunan ang lumalaking domestic at export demand.

Tinawag ito ni Marcos bilang welcome development sa pagtutulungan para mapalakas ang manufacturing sector at makapagbigay ng trabaho at oportunidad sa mga Pilipino.

Kaugnay dito, tiniyak ng Pangulo ang patuloy na pag-suporta ng gobyerno sa expansion ng Unilever at gayundin sa kanilang humanitarian causes para sa mamamayan at sa komunidad. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author