dzme1530.ph

‘Bad shot na siya sa akin’ First Lady Liza Marcos may hinanakit kay VP Sara Duterte

‘BAD SHOT NA SIYA SA AKIN’ Ito ang tahasang sinabi ni First Lady Liza Araneta-Marcos nang kamustahin ang relasyon nila ngayon ni Vice President Sara Duterte.

“I mean, for me, nasaktan ako because my husband will do everything to protect you,” saad ni Ginang Marcos

Sa Youtube shorts video ng Brodkaster na si Anthony “ Ka Tunying” Taberna, inihayag ng Unang Ginang na naging mabait siya sa lahat ng oras sa Pangalawang Pangulo.

Sinabi pa ni Ginang Marcos na gagawin ng kanyang asawang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat upang protektahan si VP Sara bilang kanyang ka-tandem noong 2022 Elections.

“You ran together, right? Together we will rise again then you will go to the rally, calling your President ‘bangag, ‘ right? You’re going to laugh, is that right? dagdag pa ng Unang Ginang

Ito umano ang dahilan kaya siya ay nasaktan sa pagdalo ni VP Sara sa isang opposition prayer rally kung saan ang Pangulo ay tinawag na ‘bangag’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at pinagtawanan pa ito.

Iginiit ni Ginang Marcos na kailanman ay hindi ito nagawa maging nang mahigpit na kalaban ni PBBM na si Former Vice President Leni Robredo.

About The Author