dzme1530.ph

Tattoo artist naaresto sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group at NAIA PDEA-IADITG ang isang babaeng tattoo artist sa final security check point sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) Terminal 3 matapos makuhanan ng iligal na droga.

Sa report ng NAIA PDEA-IADITG papaalis ang dalawang pasahero mula Brgy. Pinsao Proper Baguio City, Benguet patungong Kota Kinabalu sakay ng Air Asia flight nang makita sa x-ray machine sa final security check ang isang Swiss knife at gunting kasama ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nabatid na lalaban sana sa competition ang babaeng tattoo artist na si Jasmine Adaoal, 26 years old, sa Malaysia subalit naharang ito sa airport matapos makuha sa kaniya ang tinatayang 3.8 grams na marijuana na may standard drug price ₱456.00.

Mahaharap ang pasahero sa kasong paglabag sa Section 26 in relation to Sec 5 Art. II ng RA 9165.

About The Author