dzme1530.ph

Babaeng pasahero patungong Vietnam inaresto ng PNP AVSEGROUP sa NAIA T3

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group at Villamor Sub-Station 9 ng Pasay City Police Station ang isang babaeng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa report ng AVSEGROUP papaalis ang pasahero patungong Vietnam kung saan pinoproseso ng Immigration sa international departure ang kanyang dokumento bago siya inaresto ng mga awtoridad.

Napag-alaman na ang babaeng pasahero ay dating wanted dahil sa kasong Batas Pambansa o Anti-Bouncing Check Law.

Ang pag aresto sa suspect ay dahil sa warrant of arest na inisyu ni Presiding Judge John Benedict D Medina, ng Metropolitan Trial Court, Branch 96, sa Mandaluyong City.

Ang naarestong pasahero ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Villamor Sub-Station 9, Pasay CPS para sa dokumentasyon at karagdagang legal proceedings.—ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author