dzme1530.ph

Babaeng nagpanggap na intel officer na appointed ng pamilya Ang, inaresto sa NAIA

Inaresto ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport ang isang babaeng nagpanggap na military intelligence officer reservist ng Philippine Army na appointed umano ng pamilya ni Ramon S. Ang.

Nakilala ang suspek na si Sheena mae Medina 31 yrs old, nakatira sa Gate 3, Fort Bonifacio Taguig City.

Kampante naman ang mga Security Guard ng Lockheed Agency, na naka assigned sa NAIA Terminal 3, na lihetimo siya matapos ipakilala ng kanilang supervisor si Sheena Mae bilang bagong intelligence officer ng NAIA na siya naman daw ang order ni Ms Cecile Ang.

Malayang nag ikot si Sheena Medina sa loob ng mga restricted area at escorted pa ito ng mga supervisor ng Lockheed Agency at dahil dito hindi na ito sinisita ng mga guwardiya.

Subalit nitong weekend lamang napansin ng Lockheed, na gumagawa ng inbentong reports si Medina at sinisiraan ang mga guwardiya sa pamamagitan ng pagsusumbong sa mga ito sa opisina ng Lockheed na nasa Quezon City.

Dahil dito na nagduda na ang mga opisyal na i-monitor at isagawa ang background check kung totoo bang appointed ng Pamilya Ang, at kung totoo bang siya ay Philippine Army reservist intelligence officer, dito na nadiskobre na peke pala ito at saka siya inaresto.

Sumailalim na sa inquest proceeding si Sheena Medina at kasalukuyang pang naka-detain sa PNP Aviation Security Group sa NAIA Terminal 3. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author