Magpapatuloy ang iba’t ibang ayuda program ng pamahalaan sa taong 2024 na sinimulan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Nakapaloob sa 2024 National Expenditure Program na isinumite sa Kongreso ang halagang P173.19-B bilang ayuda sa magkakaibang sektor.
Pinaka malaking ayuda budget ay para sa Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps na may P112.84-B.
P20-B naman ang nakalaan sa Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS), habang tuloy pa rin ang School Based Feeding Program na may pondong P11.7-B.
Ayon sa Malakanyang ngayong tapos na ang pandemic response, pagtutuunan ngayon ng pansin ang livelihood at employment program, at pangunahin dyan ang TUPAD na may P12.9-B budget at integrated livelihood program na may pondong P2.3-B.
Kabuuhang P3.5-B ang pondo sa fuel subsidy na hinati sa dalawang tanggapan.
P2.5-B ng fuel subsidy ang mapupunta sa Department of Transportations, habang P1-B sa Department of Agriculture.
Gaya nang ipinangako ni PBBM sa kanyang ikalawang SONA, naglaan ito ng P20-B bilang COVID-19 compensation package at health allowance ng mga healthcare at non-healthcare workers.
Pinaka bagong ayuda program ay ang Walang Gutom o Food Stamp Program sa ilalim ng DSWD na pinaglaanan ng P1.89-B. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News