dzme1530.ph

Ayuda para sa Vulnerable Sectors, magpapatuloy ayon sa NEDA

Magpapatuloy pa rin ang Assistance Programs ng gobyerno sa mga vulnerable sectors kahit na bumaba na sa 4.9% ang Inflation Rate para sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa National Economic And Development Authority (NEDA), nagbabadya pa ring maka-apekto ang El Niño o matinding tagtuyot sa local at global food production at itinuturing ding indikasyon ang geopolitical issues.

Kailangan din umanong patuloy na bantayan ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, transportasyon, at enerhiya.

Kaugnay dito, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na mahalagang maipagpatuloy ang tulong sa Most Vulnerable Sectors sa harap ng nananatili pa ring mataas na presyo ng pagkain.

Kabilang dito ang Short-Term Measures tulad ng pamamahagi ng mga subsidiya at pag-iimport, habang sa 2024 ay palalakasin na ng Department of Social Welfare and Development ang Food Stamp Program,

—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author