dzme1530.ph

Automatic adjustment sa honoraria ng poll workers, isinusulong ng Comelec

Loading

Isinusulong ng Comelec ang pagpasa ng batas na otomatik na magtataas sa honoraria ng Electoral Board members kapag eleksyon.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na mayroon silang panukala na automatic increase sa honoraria per election basis, sa halip na umapela sila ng additional pay tuwing halalan.

Aniya, tuwing eleksyon kasi ay tumataas ang bayad sa poll workers kaya dapat ay gawin na lamang otomatik ang umento.

Sa nagdaang May 12 elections, ang honoraria rates para sa EB members ay ₱13,000 para sa chairperson; ₱12,000 para sa poll clerk at third member, habang ₱9,000 para sa support staff.

Samantala, ang bagong rates para sa volunteer staff members mula sa Department of Education ay ₱12,000 para sa supervisors; ₱9,000 para sa administrative support staff habang ₱10,000 para sa tech support staff.

About The Author