dzme1530.ph

Automated fare collection sa MRT-3, target ilunsad ng DOTr sa Hulyo

Loading

Target ng Department of Transportation (DOTr) na ilunsad ang Automated Fare Collection (AFC) Carousels sa MRT-3 sa susunod na buwan, para sa alok na karagdagang payment methods.

Ayon kay Transportation Sec. Vince Dizon, sa pamamagitan ng AFCs, maaaring magbayad ng pasahe ang MRT commuters sa pamamagitan ng pag-tap ng kanilang debit at credit cards sa counters ng MRT-3.

Ang cashless payments, partikular ang GCash, ay ginawa ring option sa MRT-3 na tumatakbo sa kahabaan ng EDSA mula North Avenue hanggang Taft Avenue.

About The Author