dzme1530.ph

Author name: Lea Soriano-Rivera

Bilang ng mga kumpirmadong nasawi bunsod ng Habagat, lumobo na sa anim

Loading

Umakyat na sa anim ang kumpirmadong patay dulot ng Habagat sa Mindanao, batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Sa Situational Report, sinabi ng NDRRMC na apat sa mga nasawi ay mula sa Barangay Pamucutan, Zamboanga City matapos tangayin ng mudslide ang kabahayan patungong ilog sa kasagsagan ng malakas […]

Bilang ng mga kumpirmadong nasawi bunsod ng Habagat, lumobo na sa anim Read More »

Globe, nanawagan sa mga customer na labanan ang Signal Pollution

Loading

Nananawagan ang Globe sa mga customer na suportahan ang ‘Fair Network Use’ at labanan ang signal pollution para mapanatili ang kalidad ng network service para sa lahat. Habang patuloy ang Globe sa pagpapalawak at pagpapahusay ng network coverage sa buong bansa, naaapektuhan naman ng mga hindi awtorisadong signal repeater ang kalidad ng network service. Ang

Globe, nanawagan sa mga customer na labanan ang Signal Pollution Read More »

Bangkay ng batang tinangay ng baha sa Maguindanao del Norte, narekober na

Loading

Narekober na ng mga awtoridad ang katawan ng batang napaulat na nawawala sa Matanog, Maguindanao del Norte. Ang nasawi ay isa sa apat na batang tinangay ng baha sa naturang bayan. Una nang iniulat ng Office of the Civil Defense – Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao na lima ang nasawi, kabilang ang tatlo mula sa

Bangkay ng batang tinangay ng baha sa Maguindanao del Norte, narekober na Read More »

Rollout ng bakuna laban sa ASF, target ng DA sa Setyembre

Loading

Plano ng Department of Agriculture na i-rollout ang pagbabakuna ng pamahalaan laban sa African Swine Fever (ASF) sa Setyembre. Sinabi ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel na nagbigay na ng Go-signal ang Food and Drug Administration sa DA noong nakaraang linggo para bumili ng mga bakuna sa Vietnam. Inihayag ng Kalihim na kailangang i-monitor ng

Rollout ng bakuna laban sa ASF, target ng DA sa Setyembre Read More »

Pekeng birth certificates sa Davao del Sur, lumobo sa mahigit 1K —NBI

Loading

Hindi lamang 200, kundi 1,200 dayuhan na pinaniniwalaang Chinese nationals ang nakakuha ng Philippine birth certificates sa pamamagitan ng Late Birth Registration sa Sta. Cruz, Davao del Sur simula noong 2016. Ang naturang impormasyon ay natanggap ng National Bureau of Investigation mula sa Acting Civil Registrar ng naturang bayan. Bini-beripika rin ng NBI ang reports

Pekeng birth certificates sa Davao del Sur, lumobo sa mahigit 1K —NBI Read More »

Mahigit 500 aplikasyon mula sa mga dating rebelde, natanggap ng National Amnesty Commission

Loading

Umabot na sa kabuuang 578 aplikasyon mula sa mga dating rebelde ang tinanggap ng National Amnesty Commission (NAC). Sa naturang bilang, as of July 12, 497 ay dating mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Samantala, dalawang aplikante naman ang mula sa Rebolusyonaryong Partidong Manggagawa

Mahigit 500 aplikasyon mula sa mga dating rebelde, natanggap ng National Amnesty Commission Read More »

Rider ng motorsiklo at angkas nito, patay matapos masagasaan ng truck sa Pasig

Loading

Patay ang rider ng motorsiklo at angkas nitong lalaki matapos magulungan ng dump truck sa Pasig City. Ayon sa Traffic Investigator, sumalpok ang motorsiklo sa likurang bahagi ng SUV na magpa-park sa harap ng isang bangko, sa Ortigas Avenue Extension. Dahil sa impact, tumilapon ang rider at pasahero nito saka nasagasaan ng truck. Nasa kustodiya

Rider ng motorsiklo at angkas nito, patay matapos masagasaan ng truck sa Pasig Read More »

4K indibidwal, naapektuhan ng sunog sa Cavite City

Loading

Nasa 800 pamilya ang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa residential area sa Dalahican, sa Cavite City. Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa pasado 3:00 ng hapon, kahapon, sa Barangay 5 at 7 sa Badjao Street. Isang helicopter ng Philippine Air Force ang pinalipad upang tumulong sa mga bumbero sa pag-apula

4K indibidwal, naapektuhan ng sunog sa Cavite City Read More »

Dating Pangulong Duterte, kinondena ang assassination attempt laban kay dating US Pres. Donald Trump

Loading

Kinondena ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang assassination attempt laban kay dating US President Donald Trump sa isang campaign rally sa Butler, Pennsylvania. Sinabi ni Duterte na isa itong wake-up call, na wala kahit na sino, kahit pa dating presidente at nangungunang presidential candidate, ang ligtas kahit sa pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Idinagdag ng

Dating Pangulong Duterte, kinondena ang assassination attempt laban kay dating US Pres. Donald Trump Read More »

Vaccine trial laban sa ASF, ihihinto ng DA kapag nagkaroon ng problema

Loading

Tiniyak ng Department of Agriculture na ipatitigil ni Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ang vaccine trial laban sa African Swine Fever (ASF) kapag nagkaroon ng problema. Ginawa ni DA Spokesman Arnel De Mesa ang pagtiyak, matapos payuhan ni dating Agriculture Sec. Leonardo Montemayor ang ahensya na maghinay-hinay sa pagsasagawa ng trials para sa ASF vaccine.

Vaccine trial laban sa ASF, ihihinto ng DA kapag nagkaroon ng problema Read More »