dzme1530.ph

Author name: Lea Soriano-Rivera

40 socmed personalities, inimbitahan sa hearing ng House Tri-Committee

Loading

Kabuuang 40 social media personalities at mga kinatawan mula sa iba’t ibang online platforms ang inimbitahan sa unang hearing ng Tri-Committee ng Kamara, bukas, araw ng Martes. Iimbestigahan ng House Committees on Public Order and Safety; Public Information; at Information and Communications Technology ang paglaganap ng fake news at disinformation sa buong bansa. Sa statement, […]

40 socmed personalities, inimbitahan sa hearing ng House Tri-Committee Read More »

Supply ng itlog sa bansa, hindi kakapusin sa Abril sa kabila ng banta ng bird flu

Loading

Inanunsiyo ng Philippine Egg Board Association (PEBA) na wala silang nakikitang shortage sa supply ng itlog sa Abril sa kabila ng banta ng bird flu, taliwas sa naging pahayag ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr.. Sinabi ni PEBA President Francis Uyehara na batay sa kanilang projection, magkakaroon ng sapat na supply ng itlog, hanggang

Supply ng itlog sa bansa, hindi kakapusin sa Abril sa kabila ng banta ng bird flu Read More »

Inaprubahang foreign investments, lumobo ng mahigit 200% sa Q2 ng taon

Loading

Tumaas ang inaprubahang foreign investment pledges, noong second quarter, dahil sa lumakas na kumpiyansa ng mga investor, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Lumobo ng 220.7% o sa ₱189.5-B ang foreign investment commitments simula Abril hanggang Hunyo kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Kabaliktaran ito ng 64% contraction na naitala sa unang quarter ng

Inaprubahang foreign investments, lumobo ng mahigit 200% sa Q2 ng taon Read More »

3 kadete ng PMA, hinatulang guilty ng Korte sa pagpaslang kay Darwin Dormitorio

Loading

Guilty ang hatol ng Baguio City Court sa tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) kaugnay ng pagpatay kay Darwin Dormitorio noong Sept. 2019. Ayon sa kapatid ni Darwin na si Dexter, guilty beyond reasonable doubt sa kasong Murder at Hazing ang hatol ng Baguio Regional Trial Court Branch 5 kina Shalimar Imperial, Julius Tadena,

3 kadete ng PMA, hinatulang guilty ng Korte sa pagpaslang kay Darwin Dormitorio Read More »

Ex-PNP Chief Jesus Versoza, inabswelto ng Sandiganbayan sa 2009 chopper deal

Loading

Pinawalang sala ng Sandiganbayan 7th Division si dating PNP Chief Jesus Verzosa sa kasong graft kaugnay ng maanomalyang pagbili ng segunda manong helicopters ng PNP noong 2009. Ipinag-utos ng anti-graft court ang pagbawi sa hold departure order laban kay Verzosa at sa 11 pang mga personalidad na inabswelto, gayundin ang pag-release ng kanilang cash bonds.

Ex-PNP Chief Jesus Versoza, inabswelto ng Sandiganbayan sa 2009 chopper deal Read More »

Isa pang Chinese research vessel, namataan sa loob ng Philippine EEZ

Loading

Isa pang Chinese research vessel ang naispatang nagsasagawa ng survey operations sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Ayon kay Retired US Air Force Col. Rey Powell, Director ng SeaLight, simula noong Miyerkules ay namataan ang barkong “Haiyang Dizhi Si Hao” sa hilaga ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal. Ito ang ikalawang

Isa pang Chinese research vessel, namataan sa loob ng Philippine EEZ Read More »

Philippine Paralympics team, tumulak na para sa Paris Games

Loading

Sa gitna ng pagdiriwang ng bansa kaugnay ng katatapos lamang na 2024 Paris Olympics, naghahanda naman ang Philippines’ Paralympic Delegation sa kanilang pagsabak sa nalalapit na 2024 Paralympics. Tumulak na patungong Paris ang six-man national Paralympic team sa gitna ng kanilang patuloy na paghahanda sa palaro, na itinakda simula sa Aug. 28 hanggang Sept. 8.

Philippine Paralympics team, tumulak na para sa Paris Games Read More »

PISTON, makikiisa sa tatlong araw na transport strike na magsisimula bukas

Loading

Lalahok din ang grupong PISTON sa tatlong araw na nationwide transport strike para tutulan ang implementasyon ng public utility vehicle modernization program (PUVMP). Sinabi ni PISTON President Mody Floranda na makikiisa sila sa MANIBELA at iba pang transport groups sa gagawing “Welga sa Ruta” na magsisimula bukas. Ito aniya ang kanilang tugon sa anunsyo ni

PISTON, makikiisa sa tatlong araw na transport strike na magsisimula bukas Read More »

Pagsu-swimming sa baha ng mga bata, planong ipagbawal ng DOH chief

Loading

Irerekomenda ni Health Secretary Ted Herbosa sa local chief executives na ipagbawal sa kanilang nasasakupan, partikular sa mga bata, ang paglangoy sa baha dahil sa banta ng leptospirosis. Ginawa ni Herbosa ang pahayag sa gitna ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis, ilang linggo matapos ang matinding pagbaha sa ilang lugar bunsod ng malakas na ulan

Pagsu-swimming sa baha ng mga bata, planong ipagbawal ng DOH chief Read More »