dzme1530.ph

Author name: Harley Valbuena

PBBM pinalawig ang employement ng COS at JO

Pinalawig ng isang taon ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang employment ng Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers sa gobyerno. Ito ay kasabay ng utos na pag-aralan ang kasalukuyang estado ng gov’t workforce, kasama ang bilang ng contractual employees at bakanteng plantilla positions. Sa sectoral meeting sa Malacañang, iniurong ng pangulo sa […]

PBBM pinalawig ang employement ng COS at JO Read More »

Online child sexual materials sa bansa, nabibili na sa halagang P200-300

Inihayag ng Dep’t of Justice na nabibili na sa mababang halaga na hanggang P200-P300 ang online child sexual abuse materials sa bansa. Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni DOJ Center for Anti-Online Child Sexual Abuse Executive Director Atty. Margarita Magsaysay na dahil ang Online Child Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) ay financially-lucrative

Online child sexual materials sa bansa, nabibili na sa halagang P200-300 Read More »

Pagtatakda ng hiring cap sa COS at JO workers sa bawat ahensya, pinag-aaralan!

Pinag-aaralan ng gobyerno na magtakda ng limitasyon o hiring cap para sa Contract of Service at Job Order workers. Sa sectoral meeting sa Malacañang na pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., iniulat ng Dep’t of Budget and Management na umabot na sa 832,812 ang COS at JO workers sa pamahalaan, na mas mataas ng 22.90%

Pagtatakda ng hiring cap sa COS at JO workers sa bawat ahensya, pinag-aaralan! Read More »

PBBM, ipinatutugis ang mga kriminal na dawit sa sekswal na pang-aabuso sa mga bata

Ipinatutugis ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga kriminal na dawit sa sekswal na pang-aabuso sa mga bata sa bansa. Sa sectoral meeting sa Malacañang, nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa mga kaukulang ahensya na tutukan at gawin ang lahat para mahuli ang mga nasa likod ng sexual abuse of children, kabilang na ang online

PBBM, ipinatutugis ang mga kriminal na dawit sa sekswal na pang-aabuso sa mga bata Read More »

Pagtataas sa P4,000 ng multa sa illegal parking, hinarang ng Pangulo

Hinarang ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang bagong panuntunan na magtataas sa 4,000 pesos sa multa para sa illegal parking sa Metro Manila. Sa kanyang Facebook reels, inihayag ng Pangulo na isinantabi muna ang Joint Traffic Circular No. 01 ng Metro Manila Council na magtataas sa 4,000 pesos mula sa 1,000 pesos sa illegal parking

Pagtataas sa P4,000 ng multa sa illegal parking, hinarang ng Pangulo Read More »

PBBM, nagtalaga ng 2 bagong opisyal sa Office of the Special Assistant for Investment and Economic Affairs

Nagtalaga si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng dalawang bagong opisyal sa Office of the Special Assistant for Investment and Economic Affairs. Sa listahan ng bagong appointees na inilabas ng Malakanyang, pinangalanan sina Marvin Jason Bayang at Kristine Joy Diaz-Teston bilang Assistant Secretaries ng tanggapan. Bukod dito, inappoint din si Leslie Vanessa Lim bilang Director IV.

PBBM, nagtalaga ng 2 bagong opisyal sa Office of the Special Assistant for Investment and Economic Affairs Read More »

78% ng mga pananim na napinsala ng El Niño, mapakikinabangan pa

Inihayag ng Task Force El Niño na mapakikinabangan pa ang 78% mula sa kabuuang 66,000 na ektarya ng mga pananim na napinsala ng El Niño o matinding tagtuyot. Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public briefing, inihayag ni Task Force El Niño Spokesman at PCO Asec. Joey Villarama na kahit tuyot na tuyot na ang nasabing 78%

78% ng mga pananim na napinsala ng El Niño, mapakikinabangan pa Read More »

Video na gumamit sa boses ni PBBM at tila nagpapahiwatig ng giyera sa isang bansa, manipulado

Tinawag na deepfake at manipulado ng Malacañang ang video na gumamit sa boses ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., kung saan tila nagpapahiwatig na ito ng digmaan laban sa isang bansa. Ayon sa Presidential Communications Office, ang deepfake ay isang advanced na uri ng digital content manipulation sa pamamagitan ng generative artificial intelligence (AI). Nilinaw din

Video na gumamit sa boses ni PBBM at tila nagpapahiwatig ng giyera sa isang bansa, manipulado Read More »

Gobyerno, magtatayo ng solar-powered cold storage warehouses para sa sibuyas

Magtatayo ang administrasyong Marcos ng cold storage warehouses na patatakbuhin ng solar power, para sa ani ng sibuyas sa bansa. Ayon kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang cold storage facilities ang magiging imbakan ng mga labis na maaaning sibuyas tuwing peak harvest season, upang hindi ito kailanganing kaagad ibenta ng mga magsasaka. Sinabi rin

Gobyerno, magtatayo ng solar-powered cold storage warehouses para sa sibuyas Read More »