7 lugar sa bansa, posibleng makaranas ng “danger level” na heat index ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA
Inaasahan ang “danger level” na heat index sa pitong lugar sa bansa, ngayong Biyernes. Ayon sa PAGASA, aabot sa 46°C ang mararanasang damang init sa Dagupan City sa Pangasinan habang 43°C sa General Santos City, sa South Cotabato. Samantala, posibleng makaranas ng hanggang 42°C na heat index ngayong araw ang Aparri, Cagayan; Tuguegarao City, Cagayan; […]