dzme1530.ph

Author name: Dang Garcia

Pondo para sa mga biktima ng bagyo at lindol, dapat tiyaking hindi napupulitika

Loading

Sa gitna ng pagpapalabas ng bilyun-bilyong pisong Quick Response Fund para sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad, nanawagan si Senador Christopher Bong Go na tiyaking makikinabang ang mga tunay na nangangailangan. Sa pagtalakay ng Senado sa panukalang budget ng Department of Budget and Management, iginiit ni Go na dapat tiyaking hindi idaraan sa palakasan […]

Pondo para sa mga biktima ng bagyo at lindol, dapat tiyaking hindi napupulitika Read More »

Senado, posibleng lumipat na sa bagong gusali sa 2027

Loading

Kinumpirma ni Senate Committee on Accounts chairman Panfilo Lacson ang kanilang commitment na makakalipat na sa bagong gusali ang Senado sa Taguig City sa Setyembre 2027. Sa deliberasyon sa panukalang budget ng Senado para sa susunod na taon, sinabi rin ni Lacson na mas mababa ang pondong kanilang gugugulin sa pagtatayo ng gusali kumpara sa

Senado, posibleng lumipat na sa bagong gusali sa 2027 Read More »

Pagtatalaga kay Sec. Recto bilang Executive Secretary, malaking panalo para sa administrasyon

Loading

Isang malaking panalo para sa gobyerno ang patatalaga kay Secretary Ralph Recto bilang Executive Secretary. Ito ang binigyang-diin ni Sen. Erwin Tulfo kasabay ng pagbati kay Recto sa kanyang bagong posisyon. Sinabi ni Tulfo na napatunayan na ang kakayahan ni Recto nang pamunuan ang Department of Finance (DOF) at maging pangunahing tagapagtanggol ng ekonomiya ng

Pagtatalaga kay Sec. Recto bilang Executive Secretary, malaking panalo para sa administrasyon Read More »

Paggamit ng mga letter of authority ng BIR sa panggigipit at katiwalian, ikinabahala ng senador

Loading

Nagbabala si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito hinggil sa umano’y lumalalang “weaponization” ng Letters of Authority (LOA) sa Bureau of Internal Revenue (BIR), na aniya’y ginagamit bilang kasangkapan ng panggigipit at katiwalian. Sinabi ni Ejercito na ilang foreign chambers at diplomatic partners ang nagpahayag ng pagkabahala sa tila pag-abuso sa pag-iisyu ng LOA. Idinagdag

Paggamit ng mga letter of authority ng BIR sa panggigipit at katiwalian, ikinabahala ng senador Read More »

₱500M pondo para sa anti-agri economic sabotage law, kailangan nang ilabas

Loading

Umapela si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa pamahalaan na ilabas na ang ₱500 milyong pondo na itinakda sa Anti-Agriculture Economic Sabotage Law of 2024. Ayon kay Pangilinan, bagama’t July pa nag-request ng pondo ang Anti Economic Sabotage Council, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipagkakaloob. Dahil dito, patuloy aniyang nakapapasok sa bansa ang bilyon-bilyong

₱500M pondo para sa anti-agri economic sabotage law, kailangan nang ilabas Read More »

Dating SP Enrile, pinagkalooban ng necrological service sa Senado

Loading

Pinagkalooban ng necrological service ng Senado ang yumaong si dating Senate President Juan Ponce Enrile. Sa kanyang eulogy, inilarawan ni dating Senador Richard Gordon si Enrile na may paninindigan, hindi umalis ng bansa, hindi nagpakita na naka-wheelchair, at hindi nagtago kahit noong panahon na kaliwa’t kanan ang mga isyu laban sa kanya. Pinasalamatan naman ni

Dating SP Enrile, pinagkalooban ng necrological service sa Senado Read More »

5 ghost farm-to-market road, natuklasan ng DA

Loading

Kinumpirma ni Sen. Kiko Pangilinan na natuklasan ng Department of Agriculture na sa 1,000 farm-to-market road projects, lima ang ghost o guni-guni lamang. Sa deliberasyon sa panukalang budget ng Department of Agriculture, tinukoy ni Pangilinan ang report ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na mayroon pang 4,700 farm-to-market roads na ginawa ng DPWH na

5 ghost farm-to-market road, natuklasan ng DA Read More »

Kabaitan ni PBBM, inabuso at ginamit ng ilang opisyal sa pangungulimbat

Loading

Naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na inabuso ng ilang tiwaling opisyal ang kabaitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang makapangulimbat sa pondo ng bayan. Una nang sinabi ni Lacson na ginamit nina dating undersecretaries Adrian Bersamin at Trygve Olaivar ang pangalan ng Pangulo upang makapagpasok ng insertion sa 2025 national budget. Ipinaliwanag ng senador na

Kabaitan ni PBBM, inabuso at ginamit ng ilang opisyal sa pangungulimbat Read More »

Sen. Marcos, handang magpa-DNA test para patunayang kapatid siya ng Pangulo

Loading

Sinagot ni Sen. Imee Marcos ang pahayag ni Cong. Sandro Marcos matapos ang pasabog ng senadora kagabi hinggil sa paggamit umano ng droga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sinabi ng kongresista na hindi asal ng isang tunay na kapatid ang ginawa ng senadora. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sen. Imee na gustong paingayin

Sen. Marcos, handang magpa-DNA test para patunayang kapatid siya ng Pangulo Read More »

Pagbubunyag ni Sen. Marcos, tinawag na un-Filipino ni Sen. Lacson

Loading

Inilarawan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson bilang un-Filipino o hindi kaugalian ng Pinoy ang mga paratang ng paggamit ng droga na ibinato ni Sen. Imee Marcos laban sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang religious gathering. Sinabi ni Lacson na bagama’t maaaring magkaroon ng hindi pagkakasundo ang magkakapamilya,

Pagbubunyag ni Sen. Marcos, tinawag na un-Filipino ni Sen. Lacson Read More »