dzme1530.ph

Austria, may alok na mahigit 500 trabaho para sa Pinoy skilled workers

Loading

Mahigit limandaang (500) trabaho ang alok ng Austria sa Filipino skilled workers na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa, sa isinagawang Philippines-Austria Friendship Week Mega Job Fair.

Pinangunahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang event sa pakikipagtulungan ng Austrian Embassy sa Maynila, para sa pag-match ng Filipino talents sa kailangang trabaho sa abroad.

Sinabi ng DMW na walong private recruitment agencies ang lumahok, para mag-alok ng 546 job orders sa Austria, sa iba’t ibang industriya, kabilang ang healthcare, hotel and restaurant, customer services at iba pa.

Bahagi rin ng event ang pre-employment orientation seminar para bigyan ng kaalaman ang mga aplikante tungkol sa reyalidad ng pagta-trabaho sa abroad, at pag-iwas sa illegal recruitment at human trafficking.

About The Author