dzme1530.ph

Australian businesses, hinikayat ng Pangulo na mamuhunan sa Pilipinas

Inanyayahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Australian business companies na mamuhunan sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Business Forum sa Melbourne Australia, hinikayat ng Pangulo ang Australian businesses na maging bukas sa pagturing sa Pilipinas bilang reliable partner para sa kanilang expansion.

Sinabi ng Pangulo na bukas ang bansa sa mga bagong larangan ng kooperasyon.

Tiniyak naman nito na ibibigay ng kanyang economic team ang buong suportang kakailanganin ng mga dayuhang investors para sa kanilang patuloy na paglago.

Ipinagmalaki rin ni Marcos ang mga naipasang batas at amendments na magpapaluwag sa mga panuntunan sa foreign investments, kabilang ang Public Service Act, Foreign Investments Act, Retail Trade Liberalization Act, at Create Act.

Muli ring ipinakilala ng Pangulo ang Maharlika Investment Fund.

About The Author