Naglabas ng travel advisory ang Australia para sa kanilang mga mamamayan na bumibisita sa Pilipinas bunsod ng security concerns.
Batay sa Advisory, pinagdo-doble ingat ng Australian government ang kanilang citizens sa buong Pilipinas bunsod ng banta ng terorismo at krimen.
Posible rin umano na tumaas ang banta ng mga demonstrasyon at pag-aalsa kasunod ng mga kaganapan sa bansa kamakailan.
Bunsod nito ay pinaiiwas ng kanilang pamahalaan ang Australian citizens sa Pilipinas sa pinagdarausan ng mga kilos-protesta at malalaking pagtitipon.