Nakatakdang magbigay ang Australia ng ₱110 milyon halaga ng karagdagang drones at maritime domain awareness-related technology sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sinabi ni outgoing Australian Ambassador to the Philippines HK Yu na ang bagong assistance package ay idi-deliver sa mga susunod na taon, na may kasamang training at integration support.
Ang bagong tulong ay karagdagan sa ₱34 milyon halaga ng drones at operator training na ipinagkaloob ng Canberra kamakailan.
Noong Abril, itinurn-over ng Australia ang mahigit dalawampung (20) world-class aerial drones sa Pilipinas.
Noong nakaraang taon, inanunsyo rin ni Yu na dodoblehin ng Australia ang kanilang civil maritime cooperation commitment sa Pilipinas na aabot sa ₱649 milyon mula 2025 hanggang 2029.