Nakapag-acquire ang Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO) ng karagdagang 12 ektaryang lupain sa Casiguran sa Aurora para sa itatayong commercial airport.
Sa statement, sinabi ni APECO President and CEO Gil Taway IV na lumagda ito ng kasunduan sa landowners na sina Edward Chua Cham at Magdalena Chua Cham para sa acquisition noong June 17.
Sa ilalim ng kasunduan, nag-donate ang pamilya Chua Cham ng 5.2 hectares ng lupain at ibinenta ang karagdagang 6.8 hectares sa APECO.
Gagamitin ang lupa sa development ng existing APECO airstrip upang maging commercial airport na mag-uugnay sa ecozone sa global investment market.