dzme1530.ph

Atty. Topacio, naghain ng motion to dismiss kaugnay sa inihaing kaso laban kay Teves

Bumisita si Atty. Ferdinand Topacio, abugado ni Congressman Arnulfo Teves, kasama ang dalawang legal counsel sa Department of Justice (DOJ) ngayong araw.

Ayon kay Atty. Topacio, kaya sila bumisita sa DOJ ay dahil ipinatawag sila ng prosecutors.

Pero bukod sa pagtungo nila sa ahensya sinabi rin niya na magpi-presinta sila ng motion to dismiss na may kinalaman sa mga reklamong illegal possession of firearms and explosives na inihain laban sa kongresista na si Arnulfo Teves.

Sa ambush interview, sinabi ni Topacio na isang ginintuang pagkakataon ito para kay Teves na humarap sa Senado para mailabas ang kaniyang saloobin kaugnay ng pagkakasangkot niya sa Degamo slay case.

Ngunit, binigyang diin ni Topacio na hindi kokomprontahin ng kanyang kliyente si Pamplona Mayor Janice Degamo oras na magharap sila sa Senado, gagawin via-online video teleconferencing.

Nanawagan naman si Topacio sa pamilya Degamo na huwag sanang gawing platform ang hearing sa Senado para magbato ng mga paratang na walang pruweba. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author