dzme1530.ph

Atty. Larry Gadon, itinalaga ni PBBM bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation!

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang abogadong si Lorenzo “Larry” Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.

Ito ay mahigit isang buwan makaraang magtapos ang 1-year appointment ban sa mga natalong kandidato noong 2022 Elections, kung saan nabigo si Gadon sa pagka-senador.

Ayon sa Presidential Communications Office, ang pag-appoint kay Gadon ay nagpapakita ng commitment ng gobyerno sa pagtugon sa isa sa pinaka-malaking pagsubok na kinahaharap ng bansa.

Magiging tungkulin ni Gadon ang makipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno, non-government organizations, at iba pang stakeholders sa pagbuo at pagpapatupad ng mga komprehensibong programa upang malutas ang pinag-uugatan ng kahirapan.

Samantala, mula sa pagiging acting chief ay opisyal nang itinalaga si Ruel Rivera bilang hepe ng Bureau of Jail Management and Penology na may ranggong Jail Director. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author