dzme1530.ph

Atty. Harry Roque, itinangging mayroon siyang higit sa isang pasaporte

Loading

Itinanggi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag ng Department of Justice (DOJ) na mayroon siyang higit sa isang Philippine passport.

Iginiit ni Roque na sa kasalukuyan ay isang regular passport lamang ang kanyang ginagamit, dahil ang iba aniya ay wala nang blangkong pahina.

Sinabi pa ng dating Duterte administration official na tiyak na malalaman ng Department of Foreign Affairs na ang dati niyang ginagamit ay kinansela ng walang prejudice.

Idinagdag ni Roque na ang kanyang regular passport ay kasalukuyang hawak ng Dutch authorities bilang bahagi ng kanyang Asylum application.

Una nang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi bababa sa dalawa ang passports ni Roque, na aniya ay labag sa batas.

About The Author