![]()
Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) si Atty. Levito Baligod at mga dating Marines na nagsiwalat na nag-deliver sila ng pera sa iba’t ibang opisyal mula kay dating Cong. Zaldy Co.
Sa ambush interview, tiniyak ni Baligod na handa silang makipagtulungan at magbigay ng mga kinakailangang impormasyon.
Sa kabila nito, iniimbestigahan ng NBI ang mga ibinunyag at kredibilidad ng mga dating sundalo.
Sinabi ni Baligod na ibibigay nila ang serial numbers at identification cards ng mga dating sundalo na may pirma ni Co, para patunayan na sila ay empleyado ng dating kongresista.
Una nang inihayag ni NBI Director Melvin Matibag na walo mula sa 18 ex-Marines ay hindi nagtrabaho kay Co, habang ang apat ay hindi naman Marines, subalit mga driver at bodyguards.
Ayon naman kay Baligod, labing-anim (16) ay dating Marines habang dalawa ay dating miyembro ng Philippine Army.