![]()
Nasa Pilipinas pa rin ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Ito, ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, ay dahil walang records mulasa Bureau of Immigration na nagpapakitang nakalabas na ito ng bansa.
Sinabi ni Vida na mayroon silang partners na member countries na nakikipag-cooperate upang matunton ang puganteng negosyante na nahaharap sa mga kaso dahil sa pagkawala ng mga sabungero.
Si Ang ay nahaharap sa mga kasong kidnapping with homicide, pati na kidnapping and serious illegal detention sa mga korte sa Sta. Cruz, Laguna; Lipa, Batangas;at San Pablo, Laguna.
Sa tatlong nabanggit na korte, tanging Sta. Cruz RTC branch 26 at Lipa RTC branch 13 ang nag-isyu ng arrest warrants laban kay Ang.
