![]()
Pinasok at hinalughog ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang beachfront property sa San Antonio, Zambales, para arestuhin ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Gayunman, bigo ang mga awtoridad na matagpuan ang high-profile personality sa beach house, sa Barangay Pundaquit.
Bitbit ng mga ahente ng NBI-National Capital Region at NBI Olongapo ang warrant of arrest para sa kasong kidnapping and serious illegal detention na inilabas ng Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court Branch 26.
Limang NBI agents lamang ang pinayagang pumasok sa gated compound, kasunod ng napagkasunduan kasama ang legal counsel ng property.
Bagaman napapabalita sa lugar na pag-aari ni ang ang resort, sinabi ng mga opisyal ng barangay na nananatili itong hearsay dahil hindi pa nila nakikita ang negosyante.
