dzme1530.ph

Atin Ito, nakumpleto ang ikatlong civilian mission sa Pag-asa Island sa pamamagitan ng konsyerto

Loading

Nakumpleto ng Atin Ito Coalition ang kanilang ikatlong civilian mission at concert sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Ginawa ni Akbayan party-list President Rafaela David ang anunsyo, matapos ang sea concert, sa loob ng training ship (T/S) Felix Oca, mag-4:00p.m., kahapon.

Sinabi ng Atin Ito Convenor, na ang nakumpleto nilang misyon, ay tagumpay ng bawat Pilipinong naghahangad ng kapayapaan sa rehiyon.

Idinagdag ni David na ang historic mission ay nilahukan din ng mga artist mula sa mga kalapit na bansa.

Kabilang sa mga nag-perform sa sea concert ay ang rap collective na Morobeats, P-Pop group na HORI7ON, Indonesian at Malaysian musicians na sina Viona at Kai Mata, at South Korean K-Pop girl group na I:Mond.

About The Author