dzme1530.ph

Atin Ito convoy, binubuntutan pa rin ng dalawang barko ng Tsina patungong Pag-asa Island

Loading

Binubuntutan pa rin ng dalawang Chinese Coast Guard (CCG) vessels ang Philippine civilian ship at Philippine Coast Guard (PCG) vessels, patungong Pag-asa Island.

Ayon kay Jorge Dela Cruz, kapitan ng training ship (T/S) Felix Oca, patuloy na sinusundan ng CCG vessel 21549 ang kanilang barko habang binubuntutan naman ng CCG 3306 ang BRP Melchora Aquino ng PCG.

Sa pagtaya ni Dela Cruz, nasa five nautical miles ang distansya ng barko ng tsina mula sa Felix Oca.

Lulan ng civilian ship ang mga volunteer mula sa Atin Ito Coalition, local at foreign music artists, at mga miyembro ng media.

Kahapon ng umaga nang ianunsyo ni Dela Cruz ang pagsunod ng dalawang CCG vessels sa Atin Ito convoy, 40 nautical miles mula sa El Nido, Palawan.

About The Author