dzme1530.ph

Assistant SolGen Derek Puertollano, sinibak ng Malacañang dahil sa sexual harassment

Sinibak sa pwesto ng Malacañang si Assistant Solicitor General Derek Puertollano dahil sa alegasyong sexual harassment.

Kinumpirma ni Solicitor General Menardo Guevarra sa text message sa DZME, na sinibak ng Palasyo si Puertollano.

Si Puertollano ay sinasabing may kinahaharap na tatlong kasong administratibo kaugnay ng sexual harassment, at inakusahan ito ng panghihipo sa kanilang intern.

Si Puertollano ay umapila na sa desisyon.

About The Author