dzme1530.ph

ASSETS NG MGA SUSPEK SA FLOOD CONTROL KICKBACK, NANANATILING NAKA-FREEZE, AYON SA OMBUDSMAN

Loading

Tiniyak ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa publiko na nananatiling naka-freeze ang assets ng mga indibidwal na umano’y sangkot sa flood control anomalies.

 

Kasabay nito ay hinimok ni Remulla ang Anti-Money Laundering Council na tutok sa kanilang mandato na pangalagaan ang public funds, kaysa protektahan ang interest ng banking industry.

 

Ginawa ng Ombudsman ang pahayag matapos ianunsyo ng AMLC na naghain ito ng tatlong petisyon sa Manila Regional Trial Court.

 

Para ito sa civil forfeiture ng mga asset na iniugnay sa mga personalidad at entities na sangkot sa flood control corruption scandal.

 

Saklaw ng mga naturang petisyon ang properties na una nang iniisyuhaan ng freeze orders ng Court of Appeals.

About The Author