dzme1530.ph

Aspeto ng national security sa isyu ng degree for sale, dapat silipin

Kailangan ding magsagawa ng imbestigasyon ang National Security Council katuwang ang Commission on Higher Education sa sinasabing degree for sale.

Ito ang binigyang diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa gitna ng ulat ng pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan at ang iba ay nagbabayad ng hanggang P2-M para sa diploma.

Sinabi ni Villanueva na ang isyung ito ay hindi lamang nakaapekto sa integridad ng ating education system at sa halip ay may implikasyon din sa ating national security.

Iginiit ni Villanueva na dapat matiyak na hindi ito isa pang paraan para makapasok sa bansa ang mga kwestyonableng Chinese citizens tulad sa POGO Operations.

Kaya muling hinihimok ng senador ang gobyerno na seryosong ikunsidera ang permanenteng pag-ban sa illegal POGO operations sa bansa.

About The Author