dzme1530.ph

#AshLloyd, magkakaroon ng reunion movie

Nagkakagulo na naman ang AshLloyd fans matapos magpost si Sarah Geronimo sa kanyang Instagram account ng picture nila ni John Lloyd Cruz sa board room ng VIVA films.

Kinumpirma kasi dito ni Sarah na niluluto na ang reunion movie nila ni John Lloyd at posible nang ilabas bago matapos ang 2023.

Ito na ang ika-limang proyektong pagsasamahan ng dalawa na siguradong magiging isa na namang blockbuster hit.

Matatandaang huling nagtambal ang dalawa sa pelikulang Finally Found Someone, na ipinalabas noong July 2017 kung saan umabot sa P316.5-M ang kinita sa takilya. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author