![]()
Naobserbahan ang ash emission sa summit crater ng Kanlaon Volcano sa Negros, kaninang madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, nangyari ito kaninang 12:50 am, at tumagal ng 17 minutes.
Nag-generate ito ng plumes na may taas na 300 meters na tinangay patungong timog kanluran, batay sa naitala ng thermal camera sa lower masulog observation station.
Kahapon ay nakapagtala ang PHIVOLCS ng 11 volcanic earthquakes; 1,118 tons ng sulfur dioxide influx; at 7 meters na taas na plume.
Ipinaalala ahensya na umiiral pa rin ang alert level 2 sa Bulkang Kanlaon.
