dzme1530.ph

Asawa ng mga inmates na bumisita sa Bilibid, pinaghubad at pinatuwad, iimbestigahan

Ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na imbestigahan ang ‘Strip search’ na isinagawa sa mga asawa ng Persons Deprived of Liberty (PLD) nang bumisita ang mga ito sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito’y matapos maghain ng reklamo ang dalawang ginang sa Commission on Human Rights (CHR) matapos silang paghubarin at patuwarin ng ilang ulit sa NBP Maximum Security Compound noong April 21.

Positibo namang tinanggap ni Catapang ang imbestigasyon ng CHR laban sa ilang kawani ng BuCor upang ipaliwanag ang kanilang posisyon sa sistema ng pagbisita sa mga inmate.

Sinabi ng BuCor Chief na mahigpit nilang ipinatutupad ang ‘strip search’ sa lahat ng mga kulungan at Penal farms sa bansa matapos mahulihan ang maraming bisita na nagpupuslit ng mga kontrabando sa loob ng bilangguan na inilalagay at itinatago sa maseselang bahagi ng kanilang katawan.

About The Author