dzme1530.ph

Artista bloc, naging malaking dahilan sa tagumpay ng kudeta laban kay Zubiri

Umapela si Sen. Robin Padilla sa lahat na huwag isisi kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang naging pagpapatalsik kay Sen. Juan Miguel Zubiri bilang Senate President.

Kasabay nito, itinanggi ni Padilla na ang boto ng artista bloc ang naging dahilan ng tuluyang pagpapaalis kay Zubiri sa pwesto.

Sa kabila ito ng pahayag ni dela Rosa na ang pagtatampo ng mga artistang senador ang naging dahilan ng pagkabuhay ng kudeta laban kay Zubiri.

Sinabi ni dela Rosa na pangunahing ikinagalit ng mg artistang senador ang pagtanggi noong una ni Zubiri na payagan ang online attendance ni Sen. Bong Revilla habang patuloy na nagpapagaling sa kanyang operasyon.

Kung hindi nakuha ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang suporta ng artista bloc o ng apat na sikat ay mabibigo muli ang kudeta kay Zubiri.

Una rito ay tinangka na ring patalsikin si Zubiri sa pangunguna naman noon ni Sen. Jinggoy Estrada subalit nabigo ito.

About The Author