dzme1530.ph

Arrest warrant laban kay Quiboloy, maaaring idulog sa Korte Suprema

Naniniwala si Sen. Robin Padilla na tanging pagdulog na lamang sa Korte Suprema ang maaaring gawin ng kampo ni Pastor Apollo Quibiloy laban sa inisyung warrant of arrest ng Senado sa kaniya.

Sinabi ni Padilla na ginawa na ng kanyang opisina lahat ng paraan na nasa rules at procedure ng Senado upang mapangalagaan ang karapatan ni Pastor Quiboloy.

Subalit nagdesisyon na aniya ang chairman ng Senate Committee on Women na tuluyang ipa-contempt si Pastor Quiboloy makaraang mabigo siyang makakuha ng kinakailangang pirma para ito harangin.

Ngayon nilagdaan na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang arrest order, sinabi ni Senator Padilla na pagdulog sa Supreme Court ang nakikita niyang legal remedy na maaaring gawin ni Pastor Quiboloy.

Kahapon ay inilabas na ng Senado ang warrant of arrest laban kay Quiboloy na nilagdaan ni Zubiri makaraang hindi makuntento si Senador Risa Hontiveros sa naging sagot ng kampo ng pastor sa sagot nito sa show cause order.

About The Author