dzme1530.ph

Arrest warrant laban kay KJC Leader Quiboloy, posibleng hindi na ilabas

Posibleng hindi na maglabas ng arrest warrant ang House Committee on Legislative Franchises laban kay KJC Leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay House Majority Floor Leader Manuel “Mannix” Dalipe, Jr. ito’y kung tuluyan nang pumasa sa 3rd and final reading ang panukala para sa pagbawi sa prangkisa ng Sonshine Media Network International o SMNI o HB no. 9710.

Punto ni Dalipe, wala nang dahilan para ikulong pa si quiboloy dahil tapos na rin naman ang Komite sa kanilang public hearing.

Gayunman, kungi hindi aniya makapasa agad sa 3rd and final reading ang HB no. 9710 bago ang Lenten Break, sinabi ni Dalipe na in-effect pa ang contempt order at mananatili ang pag-papaaresto kay Quiboloy.

dagdag pa ni Dalipe, napakarami pang panukala ang kailangan nilang pagtibayin bago ang Lenten Break sa Miyerkules, kaya hindi niya masabi kung mapapabilang ang panukala para sa revocation ng SMNI franchise.

About The Author