dzme1530.ph

Arrest warrant inilabas laban sa 10 suspek sa P96.5M ghost flood control project sa Davao Occidental

Loading

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglabas ng warrant of arrest laban sa sampung pangunahing akusado sa P96.5-milyong ghost flood control project sa Davao Occidental, kabilang ang kontratistang si Cezara Rowena o “Sarah” Discaya.

Ayon sa Pangulo, nahaharap sa mga kasong graft at malversation of public funds ang mga akusado, kabilang ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways.

Binigyang-diin ni Marcos na hindi bailable ang mga kasong isinampa, kaya’t hindi maaaring magpiyansa ang mga nasasakdal habang dinidinig ang kaso sa korte.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation si Discaya, habang walong opisyal ng DPWH sa Davao Occidental ang nagpahayag ng kagustuhang sumuko kaugnay ng nasabing anomalya.

Ang proyekto, na matatagpuan sa Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental, ay naideklarang tapos noong 2022 ngunit hindi umano kailanman nasimulan.

About The Author