dzme1530.ph

Arraignment ng mga akusado sa Degamo murder, ipinagpaliban ng mababang korte sa Maynila

Kinatigan ng Mababang Hukuman sa Maynila ang mosyon ng kampo ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. na ipagpaliban ang pagbasa ng sakdal o arraignment laban kay Teves.

Sa idinaos na pagdinig ni Manila RTC Branch 51 ni Judge Merianthe Pacita Zuraek, muling itinakda ang arraignment kay Teves sa November 29, ala-1:30 ng hapon.

Una nang naghain ng motion to defer arraignment si Atty. Ferdinand Topacio, counsel ng Kongresista, sa sala ni Judge Zuraek dahil may nakabinbin pang apela ng DOJ.

Naghain aniya sila ng petition for review sa tanggapan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla upang mapawalang-bisa ang resolution ng DOJ panel of prosecutors na naghain ng information for multiple murder case laban kay Teves.

Sa pagdinig kahapon, mga abogado lamang ng respondents at private complainants ang mga  dumalo.

Sa panig ng complainant-victims, sínabi ng private prosecutor na si Atty. Andrei Montano, na nais nilang magtuluy-tuloy ang paglilitis ng husgado upang makamit na ng mga biktima ang hustisya. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author