Planong bawasan ng Department of Education (DepEd), ang araw ng pasok sa school calendar at mag-sagawa ng Saturday classes, sa gitna ng hangarin nitong maibalik sa susunod na school year ang old academic calendar.
Ayon kay DepEd Director Leila Areola, planong ibaba ng ahensya sa 163 -days ang pasok sa mga pampublikong paaralan.
Ikokonsulta rin nito ang mga nakatakdang Saturday make up classes sa mga guro, mga estudyante at mga magulang nito.
Paliwanag ng DepEd official, magkakaroon lamang ng mga piling petsa at hindi naman ipapatupad ang klase sa lahat ng Sabado na sakop ng 2024-2025 school year.