dzme1530.ph

ARAL Program, solusyon sa krisis sa edukasyon

Ikinatuwa ni Sen. Sherwin Gatchalian ang paglagda sa Republic Act No. 12028 o Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act na magpapaigting sa pagsugpo ng krisis sa edukasyon sa bansa.

Itatatag sa ilalim ng bagong batas ang ARAL Program na magbibigay ng national learning interventions na nakaangkla sa mga sistematikong tutorial sessions, maayos na intervention plans at learning resources na binuo ng mga curriculum experts at reading specialists, naaayon sa learner-centered approach, epektibo at angkop na mga paraan ng pagtuturo para sa mga tutors at mag-aaral.

Layun ng batas na matulungan ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 10 mula sa mga pampublikong paaralan na bumalik matapos mahinto sa pag-aaral; kasama rin ang mga hindi umaabot sa minimum proficiency levels na kinakailangan sa reading, mathematics, at science; at mga hindi pumapasa sa mga test sa loob ng school year.

Sasaklawin ng ARAL Program ang essential learning competencies sa ilalim ng K to 12 Basic Education Curriculum at tututukan ang reading at mathematics para sa Grade 1 hanggang Grade 10, at science para sa Grade 3 hanggang Grade 10.

Bibigyang prayoridad ang reading at mathematics upang linangin ang critical at analytical thinking skills ng mga mag-aaral.

Tututukan din ng ARAL program ang pagpapatatag ng foundational skills ng mga mag-aaral sa Kindergarten, lalo na ng kanilang literacy at numeracy competencies. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author