dzme1530.ph

Ara Mina, suportado ang pagsali ng stepdaughter sa Miss Teen Model Universe

Todo ang suporta ng aktres na si Ara Mina sa kanyang stepdaughter na si Kirsten Almarinez, na makikipag-compete sa Miss Teen Model Universe sa Nobyembre sa Spain.

Si Kirsten ay anak ng asawa ni Ara na si dating PITC President and CEO David Almarinez.

Naniniwala ang aktres na magiging beauty queen ang kanyang stepdaughter, kasabay ng pagmamalaki sa pisikal na katangian nito, gaya ng waistline na 21 inches at natural pouty lips at pointed nose.

Ibinida rin ni Ara na bukod sa physical attributes, matalino rin si Kirsten na magsisimula nang mag-college sa susunod na buwan sa University of British Columbia para sa kursong political science. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author