dzme1530.ph

April 10, deklaradong regular holiday para sa Eid’l Fitr

Idineklarang regular holiday ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang April 10, araw ng Miyerkules, para sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim.

Sa Proclamation No. 514, nakasaad na ini-rekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos na i-deklarang holiday sa buong bansa ang April 10.

Sa pamamagitan nito ay mabibigyang-daan ang lahat ng Pilipino na makiisa sa mga kapatid na muslim sa selebrasyon, bilang pagpapahalaga sa relihiyon at kultura ng Eid’l Fitr.

Kaugnay dito, magkakaroon ng dalawang magkasunod na holiday dahil deklarado ring regular holiday ang April 9, araw ng Martes para sa Araw ng Kagitingan.

About The Author