dzme1530.ph

April 1, idineklara ni Pangulong Marcos bilang regular holiday para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Loading

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang April 1, 2025 bilang regular holiday sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.

Sa Proclamation No. 839 na inilabas kahapon, tinukoy ni Marcos ang Republic Act no. 9177, na nagde-deklara sa Eid’l Fitr bilang regular holiday sa buong bansa.

Binanggit din nito ang rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos na ideklara ang March 31 o April 1 bilang National Holiday.

Ang naturang deklarasyon ay upang hikayatin ang sambayanan na makiisa sa mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.

About The Author